Sunday, October 14, 2007

Bb. Miranda

Bb. Miranda,
Narito na po ang aming proyekto para sa ikalawang markahan. Nais lang po namin kayong pasalamatan na binigyan niyo po kami ng oportunidad na ito na mapahalagahan ang ating panitikan. Kahit na po hindi namin hilig ang magsulat ng tula at ng maikling kuwento, ibinigay po namin ang aming 100% na kaalaman tungkol sa panitikan upang makabuo ng makabuluhang tula na aming pinagsama-sama. Narito po ang aming online website. Sana po ay magustuhan niyo ang mga tula na aming nabuo at ang 2 maikling kuwento.

Maraming salamat din po sa pasensya na patuloy niyong ipinapakita sa amin, kahit na po minsan ay nawawala ang aming respeto. Itong proyekto namin na ito ay isang hatid sa inyo na kahit na po hindi namin hilig ang pag-gawa ng tula, ginawa po namin ang lahat para lang mapahalagahan ang lahat ng mga naituro niyo po sa amin. Na-aapreciate po namin ang lahat ng iyon.

Sana po ay patuloy kayong magiging masaya sa inyong trabaho na pagtuturo sa amin dahil kami po ay natutuwa na naging guro namin kayo para sa taong ito. Ang dami niyo pong turo sa buhay na naibahagi sa amin. Makakatulong po ang lahat ng iyon habang kami po ay matuloy na naglalakbay sa aming mga sariling interes. Maraming Salamat po! Mahal na mahal po namin kayo! <3

Lubos na Gumagalang,
Bianca Rae Anne M. Alejo #2
Maria Dominique P. Chua #10
Franzielle Marie D.P. Conde #11
I-2

TULA 5

GURO
ni: Bianca Rae Ann M. Alejo

Pagkagising sa umaga,
diretso eskwela.
Isang panibagong araw,
Panibagong kaalaman.

Sino nga ba sila?
Bawa't araw nakakasama.
Hirap ng kanilang trabaho,
hindi sumusuko kahit kailan.


Nakikita ang kasiyahan sa kanilang ginawa,
hatid ang pagmamahal sa estudyante.
Laking pasalamat namin,
Sa gurong katulad mo.


Paano kaya namin kayo mapapasalamatan,
Sa hirap at tiyaga,
na inyong pinapakita,
Sa amin- araw-araw.

Maraming salamat,
Sa pagmamahal niyong hatid.
Naipakita niyo sa amin,
Na kahit ano, gagawin niyo para sa ikauunlad.

Mahal namin kayo.
Sana makita niyo rin,
Na nagpapakahirap kami na,
pumasa sa mahirap na mga pagsusulit.

Thursday, October 11, 2007

MAIKLING KUWENTO 2

TADHANA
ni: Maria Dominique P. Chua

Sa isang malayong lugar sa probinsya ng Batangas nakatira sina Robert at Maria. Sina Robert at Maria ay matagal ng magkatrabaho sa isang pabrika sa bayan. May itinatagong pagnanais si Robert kay Maria ngunit hindi niya malaman kung paano niya ipapakita ang pagnanais niyang iyon.

Sa katagal-tagal na pagtratrabaho ni Robert sa pabrika, napansin ng kanyang maneyger ang kakaibang kagalingan ni Robert sa pagtratrabaho. Nabigyan ng mas mataas na posisyon si Robert sa pabrika na kung saan nagkalayo ang magkaibigang si Robert at Maria. Nalungkot din si Maria sa pagkakataong ito dahil pinagkatiwalaan ni Maria si Robert at sa katagalan ay may tinatagong pagmamahal.

Isang araw, nagkaroon ng isang anunsyo sa kanilang pabrika. "Magkakaroon tayo ng pistahan sa susunod na linggo, inaasahan ko na magdadala kayo ng paboritong ninyong pagkain sa kapistahan natin bilang pagpapakita ng pagsasamahan dito sa pabrika." Sabi ng kanilang bosing. Laking tuwa nina Robert at Maria dahil dito na lamang sila magkakasama muli.
Isang linggo bago ang kapistahan pumunta si Robert sa bahay ni Maria. Pagkadating niya sa bahay,
"Magandang gabi Maria, maari ba kitang makausap?" Ayon ni Robert.
"Aba, oo naman. Ano ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni Maria.
"Maria, alam mo naman na matagal na ang pinagsamahan natin bilang magkaibigan. Nasa isip ko lamang na, hanggang dito na lang ba tayo o may pag-asa pa tayo na magkasama habang buhay. naiintindihan mo naman ang nais kong ibahagi sayo diba, Maria?" binigkas ni Robert.
"ah eh, oo naman. Teka, linawin mo naman kahit ng onti, medyo naguguluhan pa ako eh. Nais mo bang sabihin sa akin na niyayaya mo akong pakasalan kita?" pagdududa ni Maria.
"Oo, kung papayag ka." dagdag ni Robert.
"Oo naman, matagal ko na rin inaantay ang pagkakataong ito. Matagal na rin kitang minahal bilang matalik na kaibigan at ngayon ay pumapayag ako na maging asawa mo. Mahal na mahal kita Robert." laking tuwang sinabi ni Maria.
"Ay salamat! Maria, pangako na iingatan ko ang puso mo at hinding-hindi kita lolokohin. Magsasama tayo habang buhay. Mahal na mahal din kita Maria." sabi ni Robert.

At dahil dun, sa araw ng kapistahan nila sa pabrika, ibinahagi na rin ni Robert at ni Maria ang kanilang desisyon na magpakasal sa iba pa nilang kasamahan. Natuwa rin ang mga tao dahil sa wakas, natupad na mga pangarap nila.
Matapos ang isang buwan ng pagkakasal ni Robert at Maria, nagkaroon sila ng anak na lalaki na pinangalanan nilang Miguel. Hanggang sa huli, nagsama si Robert at Maria. Natural sa mag-asawang ito na mag-away pero ginawa nilang insiparasyon ang unico iho nila na si Miguel na nagpatatag na kanilang samahan na nakapagbigay daan sila sa isang mapayapa at matagumpay na buhay.

~wakas~

MAIKLING KUWENTO 1

Pagtutulungan
ni: Franzielle Marie D.P. Conde

Sa isang liblib na bayan sa lalawigan ng Bikol, may mga nakatirang pamilya na mariwasa naman ang buhay. Ngunit, lahat sila'y magkaaway. Walang ni-isang pamilya ang may mabuting relasyon sa kanilang kapitbahay.

Isang gabi, binubuhos ang napakalakas na ulan. Hindi pinansin ng mga mamamayan ang ulan dahil sanay na sila dito. Ngunit hindi nila alam, lumakas ng lumakas ang ulan hanggang sa magtanggalan ang mga puno. Pagkatapos ng ilang araw, lahat ng mga tao ay nawalan ng mga tirahan. Wala na rin silang makain. Sa kabila ng mga pangyayari, hindi pa rin nagpansinan ang mga pamilya.

Wala na talagang magawa ang mga tao.

"Wala na tayong makain at iyak nang iyak ang mga bata" sabi ng isang matanda.
"Kailangan na natin humingi ng tulong sa ibang pamilya." sabi pa ng isa.

Habang naglalakad ang mga bata, nagkita-kita ang mga magkakapitbahay. At kagaya pa rin ng dati, hindi sila nagpapansinan. Hanggang sa may batang sumigaw "kailangan na natin magtulungan para umunlad ulit ang ating bayan! hindi niyo ba nakikita ang hirap na dinaranas ng bawat isa? Kailangan na nating MAGTULUNGAN!" Nagtinginan ang mga tao at ngumiti. Nagsimula na silang magtulungan at naibangon muli ang kanilang buhay. Simula noon, naging magkakaibigan na ang bawat mamamayan.
~wakas~

TULA 4

Ang Ating Pamilya
ni: Franzielle Marie D.P. Conde


Ang ating Pamilya,

Ang lagi nating kasama.
Kahit saan tayo magpunta,
Sila ay laging sumusuporta.


Sa ating mga problema,

Kanino pa tayo pupunta,
Para humingi ng payo?
Kung hindi sa ating pamilya.


Ang pamilya ay mahalaga.

Simula pa pagkabata,
Sila ang sa ati'y nag-aruga.
Wala nang hihigit pa, sa ating pamilya.

TULA 3

Aking Pangarap
ni: Bianca Rae Ann M. Alejo

Aking pangarap para sa ating bansa,
Buhay natin ay guminhawa.
Walang taong mamumulubi,
at walang mga maghihirap.

Aking pangarap para sa bawat Pilipino,
Maging matulungin at matalino.
Mga tao ay mapagbigay,
Upang bansa natin ay umunlad.


Bawat tao sana'y magkaisa.
Magtulungan ng masaya,
ng sa gayon ating makamit,
ang kasiyahan at kapayapaan.

Ating pangarap sa ating gobyerno,
Sila'y maging matapat sa kanilang serbisyo.
Walang nangaabuso sa karapatan,
Walang mandaraya at mangungurakot.

Aking pangarap sa kalikasan,
Ang nagbibigay ng kasiyahan.
Ating protektahan, pangalagaan at ipreserba,
Upang magamit ito ng susunod na herenasyon.

TULA 2

Krisis sa BANSA, ating solusyunan!
ni: Maria Dominique P. Chua


Ano na ba istura ng ating bansa?
Sa paligid-ligid, natutuwa ka pa ba?

Bakit nagkaganito ang ating kapaligiran?
May magagawa pa ba tayo?


Munting mga bata, kawawa.

Araw-araw basura'y kinakalkal,
Edukasyon nila'y nababaliwala
Dahil sa mistulang kahirapan sa buhay.


Ano na nga ba ang ating magagawa?
Maayos pa ba ang lahat ng ito?
Kelan pa? Buhay nila,
nakasalalay sa ating mga kamay.


Tara na't kumilos,
patungo sa kaginhawaan ng lahat.
Konting konsiderasyon at pagkakaisa,
Makakabago ng buhay ng iba.


Buhay ay biyaya sa atin mula sa itaas,
Magtulungan tayo upang maayos
ang buhay ng iba.
Iaahon natin mula sa kahirapan,
Ang bansang ating sinilangan.